LGBT-Pilipinas, nagpasalamat kay PBBM kasunod ng pagtatatag ng isang komite

Nagpasalamat ang LGBT Pilipinas kay Pangulong Bongbong Marcos, kasunod ng inilabas na Executive Order number 51, hinggil sa pagtatatag ng special committee para sa LGBTQIA+ community.

Sa inilabas na statement ng LGBT Pilipinas, sinabi nilang mahalagang hakbang ang EO 51 tungo sa pagkilala at pag address sa mga concerns ng LGBTQIA+ community sa bansa.

Pagpapakita raw ito ng commitment ng Pangulo sa pag promote ng inclusivity, pang unawa at equality sa lahat ng Pilipino, anuman ang kanilang sexual orientation, gender identity o expression.

Malaking implekasyon din daw ito sa kanilang paglaban para sa karapatan at pagkakapantay-pantay ng kanilang komunidad sa bansa.

Naniniwala rin ang LGBT Pilipinas na sa pamamagitan ng special committee on LGBTQIA+ affairs, magbibigay daan ito sa paglikha ng mas inclusive at supportive environment para sa kanilang komunidad, hindi lang daw ito mag po-promote ng self-belonging kundi mag aambag rin ng pangkalahatang pagpapabuti sa lipunan.

Nabatid na si Pangulong Bongbong Marcos ang kauna-unahang Presidente sa Pilipinas na bumuo ng Special Committee para sa LGBTQIA+ community.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *