LGBTQIA+ sa Albay, nagsagawa ng mga aktibidad para sa mga bata na nasa ilang mga evacuation centers

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ang LGBTQIA+ Albay ng iba’t-ibang mga aktibidad para sa mga bata sa ilang mga evacuation centers sa Albay.

Ang nasabing mga aktibidad ay pinangunahan ni Provincial Youth and Sports Development Office (PYSDO) chair Rhondon Casas Ricafort para tugunan ang psycho-social needs ng mga bata na magda-dalawang linggo nang nasa mga evacuation centers.

Ang LGBTQIA+ Albay ay nakatakda sanang magsagawa ng GAD, ngunit sa halip na unahin ito, nagdesisyon ang PYSDO na sa mga evacuation centers na lamang ilaan ang kanilang mga oras.

Ayon naman sa gobernador ng Albay na si Edcel Greco Lagman, ang nasabing aktibidad ay bahagi pa rin ng disaster response efforts ng lalawigan.

Kung saan dapat umanong mayroong ‘flexible’ na pamamaraan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Albay sa pagpapatupad ng mga proyekto, programa, at mga aktibidad para sa kapakanan ng mga bakwit ng Bulkang Mayon.

Ayon pa kay Lagman sahan na umano ang iba’t-ibang mga palaro na magpapalakas ng physical at mental health ng mga bata.

Nabanggit rin ng gobernador na mamamahagi ang PGA ng mga laruang pamimigay sa mga batang bakwit sa mga susunod pang mga araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *