LGU Barcelona, tanging bayan na may mataas na competitiveness index sa Sorsogon– DTI

SORSOGON CITY—Ang bayan ng Barcelona ang may pinakamataas na ranking sa lahat ng mga munisipalidad sa buong lalawigan ng Sorsogon pagdating sa Competitiveness Index.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Sorsogon head Malou Pancho, mula sa 315 na mga 5th class municipality sa buong bansa, nasa ika-41 na puwesto ang nasabing bayan batay sa 2022 Cycle.

Ibig sabihin, maganda ang Competitiveness Index ranking ng nasabing munisipyo kung kaya malaki ang posibilidad na mas maraming mga investors ang posibleng maenganyo na maglagak ng negosyo at mamuhunan sa lugar.

Samantala, mababa naman ang ranking ng iba pang munisipalidad sa lalawigan kung saan nasa ika 171 na ranking ang bayan ng Sta. magdalena habang ika-288 naman ang bayan ng Prieto Diaz.

Mula naman 512 na bilang ng mga 1st at 2nd class municipalities sa bansa, nasa ika-220 na puwesto ang bayan ng Irosin, pang 299 naman ang Gubat, 354 ang Bulan, at 422 ang bayan ng Pilar.

Nasa ika-200 puwesto ang bayan ng Castilla mula sa 658 na mga 3rd at 4th class na munisipyo sa bansa; ika- 438 ang Matnog; ika- 450 ang Magallanes, pang-513 ang Donsol, pang-608 ang Juban at nasa ika-616 na puwesto ang bayan ng Bulusan.

Umaasa naman ang opisyal na ang kanilang isinagawang Cities and Municipalities Competitiveness Index LDCS Review and Assessment ay malaking tulong upang maiangat ang Competitiveness Index ranking ng mga musipalidad sa lalawigan ng Sorsogon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *