LGU Basud handa na sa digital transformation sa pag proseso ng business registration

CAMARINES NORTE – Handa na ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte sa digital transformation sa pag proseso ng business registration sa pamamagitan ng Integrated Business Permit & Licensing System (iBPLS).

Ayon sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng naturang LGU handa na silang i- adopt ang online processing of business registration sa pamamagitan ng Integrated Business Permit & Licensing System (iBPLS).

Sa darating na September 19, 2023 ay pormal nang i- introduce ang iBPLS sa mga constituent ng naturang bayan para sa convenience  and  ease of registration.

Kung maalala, noong nakaraang taon pa ng bigyan ng authority ng Sangguniang Bayan ang Alkalde para pumasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng LGU Basud at Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa implementasyon ng Integrated Business Permits and Licensing System (iBPLS).

Layunin nito na mas mapabilis at maging sistematiko ang proseso ng pag-apply ng mga business permits at licenses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *