LGU Basud suportado ang paglikha ng Daet River Watershed Management Council

CAMARINES NORTE – Suportado ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte ang paglikha ng Daet River Watershed Management Council.

Kahapon sa regular na sesyon ng Sangguniang Bayan ay inaprobahan ang kahilingan ni Mayor Adrian Davoco na pumasok at lumagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng LGU, Provincial Government at  iba’t- ibang national government agency para sa paglikha ng naturang council.

Ayon kay Councilor Pablo Ablaneda, isa itong magandang programa na maging bahagi ang LGU sa bubuuing Daet River Watershed Management Council dahil mahalaga umanong maprotektahan ang mga watershed.

Nakapaloob sa pipirmahang Memorandum of Agreement ang “shared” commitment ng mga LGU at national government agencies na protektahan ang communal forest watershed sa lalawigan.

Ayon kay Ablaneda napapanahon ito lalo’t nararanasan sa maraming lugar ang kakulangan ng suplay lalo na ng inuming tubig kaya mahalaga umanong ma- preserve ang mga watershed. Babalangkas na ng resolusyon ang SB upang bigyan ng awtoridad ang Alkalde na pumasok at lumagda sa MOA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *