LGU Camalig, nakatanggap ng mga bagong kasangkapan na magagamit sa pagresponde sa mga kalamidad

LEGAZPI CITY – Tumanggap ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Camalig, Albay ng mga bagong kagamitan na magagamit sa pagtugon sa mga dumarating na kalamidad sa rehiyon.

Pinangunahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa pakikipagtulungan ni Sen. Francis Tolentino ang distribusyon ng nabanggit na mga kagamitan na inilunsad naman bilang katuparan sa Disaster Training and Equipment Assistance Project (DTEAP).

Layunin nitong malinang at mapalakas ang kapabilidad ng LGU ng nasabing bayan pagdating sa pagresponde kung may mga kalamidad o anumang emergencies.

Ang mga bagong kasangkapan ay nakatakdang gamitin ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Samantala, nagpapasalamat naman ang alkalde ng nabanggit na bayan na si Caloy Baldo sa proyekto ito dahil pamamaraan umano ito upang mapanatili ang kanilang layunin na zero-casualty tuwing may mga kalamidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *