LGU Camalig, napabilang sa mga anti-illegal drug awardees

Napasama ang Local Government Unit (LGU) Camalig sa mga awardees sa 2021 Regional Anti-Drug Abuse Council (RADAC) Audit kung saan pinangunahan ng Department of the Interior & Local Government (DILG) ang pagkilala sa resulta ng aktibong pagpapatupad nito.

May mga interbensyong ginagawa laban sa ilegal na droga tulad ng limitado ng profiling, treatment at rehabilitation, aftercare session, surprise drug testing, at ganap na pagsunod sa RA 9165 o “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Ang LGU ay nakakuha ng mataas na functional rating na 95.5% sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng Municipal Anti Drug Abuse Council (MADAC), Mayor’s Office (MO), Municipal Disaster Risk Reduction & Management Officer (MDDRMO) Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) na naging aktibong kasosyo sa buong yugto ng paglilinis ng droga.

Sa ngayon, ang munisipyo ay may kabuuang apatnapu’t pitong (47) drug-cleared at tatlong (3) barangay na hindi apektado.

Noong Disyembre ng nakaraang taon, tinanghal din ang LGU-Camalig bilang best performing MADAC ng PDEA, na nangunguna sa 13 (13) shortlisted LGUs sa buong lalawigan ng Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *