LGU Daet sinimulan na ang pagtanggap ng aplikasyon para sa kanilang Expanded Scholarship Program

CAMARINES NORTE- Abala ngayon ang Lokal na Pamahalaang bayan ng Daet sa pagtanggap ng mga aplikasyon mula sa mga nagnanais na maging bagong iskolar sa ilalim ng LGU-Daet Expanded Scholarship Program

Ang pagtanggap ng aplikasyon ay sinimulan nitong lunes , may 31, 2021 na tatagal hanggang sa June 30, 2021.

Ang programa ay bukas  para sa mga Senior High School graduates at College Level o College Undergraduate

Ang mga aplikante ay kailangang:

  • Residente ng Munisipalidad ng Daet.
  • Rehistradong botante ang magulang o tumatayong magulang sa naturang bayan.
  • Para sa mga HS graduate: Hindi bababa sa 80% ang General Weighted Average (GWA) at walang bagsak na grado sa anumang subject habang sa mga college level o college under graduate: Hindi bababa sa 2.5 ang GWA at hindi pa nakapagtapos ng ano mang kurso sa kolehiyo.
  • Nakapasa sa etrance examination sa papasukan na State College o pribadong paaralan sa kolehiyo.
  • Ang combined gross annual income ng mga magulang o tumatayo na mga magulang ay hindi tataas sa latest poverty threshold.
  • Mayroong good moral character at walang derogatory record at;
  • Walang anumang scholarship o study grant.

Samantala, i-aanunsiyo ang schedule ng qualifying examination pagkatapos ng huling araw ng pagpapasa ng application forms.

(photo courtesty: Daet Coun. Eliza Llovit)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *