LGU Juban at Kadunungan team implementors nagpulong na para sa implementasyon ng Kadunungan Zeroed Program

Nagpulong na ang Lokal na Pamahalaan ng Juban at ang Kadunungan Team Implementors ng Provincial Government para sa implementasyon ng  Kadunungan Zeroed Program.

Kabilang sa mga tinalakay sa nasabing meeting ang 60-40 na hatian ng Pamahalaang Lalawigan at ng LGU-Juban para sa pagkuha o pagbili ng uniporme, bags, at iba pang mga schools supplies na nakatakdang ipamahagi sa mga mag-aaral sa nasabing bayan simula Grade 1 hanggang Grade 12 para sa taong 2023.

Napag-usapan din ang paglalagay ng mga panaderya o bakery sa mga paaralan para sa libreng tinapay na ibibigay sa mga estudyante dalawang beses bawat linggo.

Samantala, bukod sa nasabing programa ay nakatakda ding ilunsad ng LGU ngayong taon ang Kabuhayan at Katrangquilohan program.

Matatandaan na ang Kalikasan, Kagandahan at Kalinigan sa ilalim ng 7K Program ng Provincial Government ay opisyal ng nailunsad sa nasabing bayan na halos katulad din ng tatlong mga programa sa ilalim naman ng 7G’s program ng LGU na GREEN, GLOW at GROW.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *