LGU Legazpi mamamahagi ng relief goods sa 65K pamilya kasunod ng pagsailalim dito sa GCQ

BNFM BICOL—Upang maibsan ang epekto ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic ay nakatakdang mamahagi ng relief assistance ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Legazpi sa mga mamamayan nito.

Ito ang kinumpirma ni alkalde Noel Rosal kung saan inihayag nito na bibigyan ang nasa 65,000 mga pamilya sa lungsod.

Kasunod na rin ito ng pagsasailalim sa lungsod sa General Community Quarantine (GCQ) dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Upang maiwasan ang mass gathering at siksikan ng mga tao sa distribution, magbabahay-bahay ang mga barangay officials o kaya naman ay ihahatid na lamang ang mga goods sa bawat purok.

Payo nito sa mga mamamayan, panatilihin ang disiplina upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng sakit.

Mababatid na kahapon, nagtala ang lungsod ng Legazpi ng panibagong 52 kaso ng COVID-19 na siyang pinakamataas sa lahat ng mga lugar sa Albay.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *