CAMARINES NORTE – Nagpahayag ng suporta ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes sa ginagawa ngayong Brigada Eskwela
Kahapon ay isinagawa ng kick- off ceremony sa naturang bayan kung saan nagkaroon ng motorcade at parade na hudyat ng pormal na pagsisimula ng aktibidad.
Ayon sa Municipal Information Office, ang aktibidad ay dinaluhan ng mga guro, magulang at iba pang volunteers.
Mababatid na isa ang Mercedes sa walong bayan sa Camarines Norte ang naglalaan ang pondo taon- taon sa Brigada Eskwela bagay na ipinagpasalamat ng DepEd.
Tema ng Brigada Eskwela ngayong taon ay “Bayanihan Para sa Matatag na Paaralan” alinsunod sa sa DepEd memo no. 021 s 2023 na ipinalabas ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte.
Layon nito nag awing functional, clean and orderly ang pagbubukas ng klase sa August 29.
