LGU Mercedes pinaghahandaan na ang pagdagsa ng mga turista ngayong nalalapit na Semana Santa

CAMARINES NORTE – Pinaghahandaan na ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes, Camarines Norte ang pagdagsa ng mga turista ngayong nalalapit na Semana Santa.

Ngayong linggo ay magpapatawag ng pagpupulong si Mayor Alexander Pajarillo sa iba’t- ibang ahensiya tulad ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Philippine Coast Guard, Philippine Red Cross upang pag- usapan ang mga kinakailangang gawin sa harap ng inaasahang dagsa ng mga turista.

Ayon sa Alkalde bubuo ng Task Force ang LGU na siyang tututok sa kaligtasan ng mga turista lalo na ang mga naga- island hopping.

Nanawagan naman ang Alkalde sa mga miyembro ng Mercedes Tourism Boat Owners Association (MTBOA) na hindi pa nakakapag renew sa Maritime Industry Authority (MARINA) na gusto uling mag operate na makipag ugnayan sa LGU para tulungan ang mga itong maka- renew.

Sa Lunes ay mayroon umanong schedule para sa renewal sa MARINAsa Legazpi City at magpapahiram ng sasakyan ng LGU.

Mababatid na noong kasagsagan ng pandemya ay apektado ang kabuhayan ng mga miyembro ng MTBOA.

Umapela rin ang Alkalde sa mga turista lalo na ang may mga kasamang bata ng ibayong pag- iingat.

Isa ang Mercedes sa dinadayo ng mga turista lokal man o sa labas ng lalawigan dahil sa dami ng mga tourist destination mayroon ito.

Maliban sa siete pecados kung saan pwedeng mag isdalng hopping, marami rin itong magagandang beach at falls.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *