LGU Naga nakaantabay sa biyahe ng mga trimobile sa mga subdivision at sa mga malalayong barangay na may housing settlement area

NAGA CITYSa gitna ng isyu sa transportasyon sa Naga City, tiniyak ng lokal na pamahalaan na may mga masasakyang trimobile ang mga residenteng nakatira sa malalayong barangay lalo na iyong mga nasa subdivision at housing settlement area tulad ng sa Barangay Cararayan,Carolina at Pacol. 

Ang mga trimobile na ito na lima o mahigit pa ay makikita sa labasan ng subdivision o sa designated trimobile terminal sa nabanggit na mga barangay na ayon kay City Councilor Jess Albeus, na siyang chairman ng Committee on Housing Settlement sa konseho, na ang mga pangunahing pasahero ay mga estudyante at mga empleyado .

Sa panayam ng Brigada News Fm Naga, sinabi ni Albeus na organisado ang mga trimobile na ito na hinugot mula sa Trimobile Operators Drivers Association sa bawat barangay, kaya nakakatiyak na monitor ang bawat galawan ng mga ito

Anya’y madali namang ireklamo ang sinumang pasaway na trimobile driver dahil sa body at plate number ng mga ito, sabi pa ng konsehal.    

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *