LGU Naga planong magpatayo ng stand-alone senior high school ngayong mas inaasahan ang pagtaas ng enrollees sa susunod na school year 2024-2025

NAGA CITY – Planong magpatayo ng LGU-Naga ng Stand-Alone Senior High School sa susunod na taong 2025, ito ay para tanggapin ang mas naglolobo pang bilang ng mga senior high school students sa lungsod na ngayon ay hinahanapan na rin ng lugar kung saan itatayo.

Batay sa talaan ng Edcuation Committee sa konseho, inaasahan na rin ang pagdagsa ng mga senior high school mula sa ibang lugar o karatig bayan ng lungsod.

Ang planong ito inihayag sa Brigada News FM Na ga ni City Councilor Lito del Rosario na siyang Chairman ng naturang komitiba, na ayon sa kanya sa kabila ng mga isyu at kontrebersiya na nakadikit sa senior high school education ay marami pa rin ang enrollees nito.

Aniya’y may basbas na rin sa ilang opisyal ng Department of Education kaya nakakatiyak sina del Rosario na tuloy na tuloy na ito ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *