LGU Naga, tiniyak na magiging 24/7 operational ang ilang serbisyo sa Naga City General Hospital

NAGA CITY – Tiniyak ng Lokal na Pamahalaan ng Naga na ang ilang serbisyo sa Naga City General Hospital, ay magiging 24/7 operational.

Ito ang binigyan diin ni Mayor Nelson Legacion, sa kanyang mensahe sa ginawang flag raising ceremony kaninang umaga.

Kung saan sisiguraduhing simula Lunes hanggang Linggo, ay may mga Doktor at Nurse na nakaduty lalo na ang Emergency Services sa ospital, Gynecology at Obs-te-trics para sa mga manganganak, maging ang Dailysis at ilan pang serbisyo, masiguro lamang ang kompletong serbisyo para sa Nagueño. Ang ibang serbisyo naman ay naka-eschedule depende sa pangangailangan. Maliban pa riyan tiniyak din ng Alkalde na sapat ang mga personahe sa ospital, kung kulang man dadagdagan.

Ayon pa sa kanya, ang naturang ospital ay sumisimbolo ng pagmamalasakit, pagmamahal at pag-unlad ng lungsod.

Kaugnay nito, dumating na rin ang dalawang panibagong ambulance vehicle sa lungsod na gagamitin para sa NCGH at sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *