Lgu sa bansa na nagdeklara ng persona-non-grata sa mga cpp-npa, nasa 84% na

Nasa 84% nang mga Local Government Unit sa bansa ang nagdeklara ng persona-non-grata sa mga CPP-NPA sa kanilang nasasakupan.

Ito ang inihayag ni Brigadier General Gerardo Zamudio, ang deputy wing commander ng PAF’s 355th Aviation Engineering Wing sa isinagawang UP-UP Cagayan Valley (Usaping Pangkapayapaan, Usaping Pangkaunlaran).

Aniya, upang tiyakin na hindi na mabalikan pa ng makakaliwang pangkat ang isang barangay na nagdeklara ng persona-non-grata o maengganyo pa na sumapi sa kanila ang mga residente rito ay kinakailangang mabigyan ng agarang tulong mula gobyerno.

Kaugnay dito, mayroong 20 milyon pesos na inilaan ang NTF-ELCAC para sa barangay development program.

Mahalaga rin aniya na mabigyan ng suporta ang mga barangay gaya ng pagpapaayos ng kalsada, pangkabuhayan o livelihood training mula sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno upang maramdaman ng mga ito ang suporta at presensiya ng pamahalaan.

Nilinaw naman ng opisyal na hindi maaring pwersahin ang mga LGU na magdeklara ng persona-non-grata dahil boluntaryo umano ito.

Ikinatuwa naman ni BGen Zamudio na nakikipagtulungan na rin ngayon ang mga IP Leaders o community mula sa Mindanao upang mapuksa ang mga kasapi ng rebelde.

Batay umano sa naranasan ng mga IP Community ay mayroon silang mga kasamahan na pinaslang dahil hindi naniwala sa binabanggit ng rebeldeng grupo na komunistang sistema ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *