LGU Sagñay, CamSur puspusan ang paghahanda sa magkakasunod na aktibidad

CAMARINES SUR – Nagsisimula na ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan ng Sagñay, Camarines Sur sa mga resort owner, iba pang ahensya at sakop na barangay kaugnay nang magkakasunod na aktibidad ngayong bakasyon: ang pakikiisa ng mga deboto para sa paggunita ng Semana Santa, uwian ng mga bakasyunista, at ang pagdiriwang ng Baybayon Festival 2024.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Mayor Jovi Fuentebella, dahil kilala ang nasabing bayan sa mga beach na dinarayo ng maraming turista, tinututukan nila ang kalinisan ng mga ito habang isinasabay ang pagpapanatili ng seguridad at kaligtasan ng mga bisita.

Matapos ang Semana Santa, sa ikaapat ng Abril opisyal nang magsisimula ang mga aktibidad kaugnay ng Baybayon Festival sa pamamagitan ng Clean-up drive sa mga coastal areas. Susundan ito ng Fun Run kinaumagahan, Longboard competition at marami pang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *