LGU-Virac sa Catanduanes, na i-turn over na ang 50 body cameras sa hanay ng pulisya sakanilang bayan

BNFM BICOL–  Pormal nang na i-turn over ng lokal na pamahalaan ng Virac sa lalawigan ng Catanduanes ang nasa 50 body cameras sa hanay ng kapulisan sakanilang bayan. 

Bukod pa rito ang isang unit ng drone camera; isang unit ng snifer rifle; rechargeable flashligts at mahigit 300 piraso ng ‘pro-baton’ na ipapamahagi naman sa iba’t-ibang barangay ng nasabing bayan.

Ayon  kay Virac, Catanduanes Mayor Sinforoso Sarmiento, ang pamamahagi ng nasabing mga kagamitan ay bilang bahagi ng kanilang programa sa ilalim ng Municipal Peace and Order and Public Safety Plan at upang maiwasan na rin ang duda ng publiko sa kapulisan sa mga isinasagawang operasyon nito. 

Aniya, nasa P5-million na pondo ang inilalaan dito taon-taon, upang bigyang suporta ang PNP sakanilang mga kinakailangan para maitaguyod ang peace and order sakanilang bayan.

Samantala, sinabi naman ng hepe ng Virac Municipal Police Station na si PMaj. Antonio Perez, na ang kanilang himpilan ang kauna-unahang hanay ng PNP na nakatanggap ng body cameras sa buong lalawigan ng Catanduanes.

Bukod dito, inaasahan rin ang pagdating ng iba pang mga body cameras mula naman sa National Headquarters ng PNP. ###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *