LGUs sa NCR, bawal na mag-isyu ng traffic violation ticket at magkumpiska ng lisensiya – SC

Inilabas na ng Korte Suprema ang desisyon nito na nagbabawal sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na mag-isyu ng traffic violation ticket at mangumpiska ng lisensiya ng driver.

Maliban na lamang kung deputize o hinirang sila ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang kinatawan.

Sa desisyon, sinabi ng SC na null and void o walang bisa ang paniniket sa ilalim ng traffic ordinances sa mga lungsod at isang bayan sa Metro Manila.

Paliwanag ng Korte Suprema na ang batas ng MMDA ang dapat mangingibabaw pagdating sa traffic management sa Kalakhang Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *