Libingan ni dating pangulong Marcos Sr.,dinagsa ng daan-daang mga supporters

Dinagsa ng daang-daang Marcos supporters ang libingan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr, dito sa Libingan ng mga Bayani dito sa Fort Andres Bonifacio, Taguig City.

Suot ang pulang tshirt ay nagpakita pa rin ng kanilang pagmamahal at suporta ang mga dumalaw kay late Former Pres. Marcos Sr. na mga nagmula pa sa Cavite, Malabon, Navotas, Caloocan, Muntinlupa at ilang lugar sa Ilocos.

Isang misa rin ang isinagawa kaninang alas-10 sa mismong libingan ni Marcos Sr. Kung saan naroon ang presensya ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., ang dirst lady, dalawa sa mga anak nito at mga kapatid na sina si Senator Imee Marcos at Irene Marcos. At ilan pang mga kaanak.

Samantala, nag ikot din dito sa libingan ng mga bayani sina PNP Chief. Gen. Benjamin Acorda kasama si NCRPO Chief. PBGen. Melencio Nartatez Jr, na sa kabuuan aniya ay naging mapayapa naman ang paggunita ng undas dito sa LNMB maging sa mga nauna ng sementeryo na kanilang nabisita.

Umabot naman na sa halos 3500 ang dami ng mga bumisita dito sa Hero’s Cemetery ayon sa pamunuan ng sementeryo at tuloy-tuloy pa ring nagdadatingan ang mga kaanak ng mga yumaong nakalibing dito kahit nagumpisa nang bumuhos ang ulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *