Libo-libong Amerikano, apektado sa isang cellular outage

Isang cellular outage ang tumama sa libu-libong mga gumagamit ng AT&T sa Amerika.

Ayon sa outage tracking website na Down Detector, mahigit 50,000 ang naiulat na insidenteng hindi sila maka tawag o makapag send ng text messages.

Bukod pa sa AT&T, nagambala rin ang mga gumagamit ng Verizon, T-Mobile at UScellular, ngunit maliit lamang ito kumpara sa mga unang naiulat na datos.

Naantala rin ang operasyon ng emergency hotline na 911, kaya’t mahigpit na naka-monitor ang San Francisco Fire Depertment sa mga posibleng emergency incidents.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *