International

Libo-libong mga kabahayan sa Guam, walang suplay ng tubig at kuryente kasunod ng pananalasa ng Super Typhoon Mawar

LIBO-LIBONG mga kabahayan at establisyemento  ngayon sa Guam ang walang suplay ng kuryente at tubig matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Mawar.

Naramdaman ang lakas ng bagyo nitong Miyerkules kung saan isinailalim ng Meteorological Agency ng bansa sa Hurricane Category 5 ang naturang bagyo.

Taglay ang lakas ng hanging aabot sa 241 kph, nagawa nitong patumbahin ang mga puno, poste at mga kawad ng kuryente maging ang mga kabahayan.

Sa datus na iniulat ng local media, nasa 52,000 na mga kabahayan ang walang kuryente at suplay ng tubig; 970 mga residente ang pansamantalang nanunuluyan sa shelter .

Ilang mga minor injuries naman ang naitala habang walang na i-rekord na casualties o nasawi sa pananalas ang bagyo sa naturang bansa.

Samantala sinabi naman ni Landon Aydlett ng National Weather Service, ito na umano ang pinakamalakas na bagyong tumama sa Guam mula noong nakaraang 2002 kung saan isinalarawan nito ang kalamidad na umano’y katulad ng pelikulang “Twister”. | JUMEL DELA ROSA

BNFM Bicol

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

22 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

22 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

22 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

22 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

22 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

23 hours ago