Libo-libong volunteers para sa Tokyo Olympics, umatras!

Libu-libong volunteers para sana sa Tokyo 2020 Olympics ang umatras na lalong nagpaigting sa pangambang posibleng hindi talaga handa ang Japan sa hosting.

Ayon sa Tokyo Organizing Commttee officials, nasa 10,000 mula sa 80,000 registered volunteers na sumusuporta sa athletic events ang umatras.

Sa kabila nito, nanindigan si Organizing Committee Chief Executive Toshiro Muto na hindi makakaapekto sa operasyon Olympics ang pag-atras ng ilang volunteers .

Hindi din naman kasi papayagan ang mga foreign audience na makapanood nang live sa mga laro dahil sa pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19

Taliwas naman ito sa agam-agam ng marami na makakadagdag sa hirap na pinagdadaanan ng mga organizers ang pag-atras ng mga volunteers na malaking bahagi ng Summer Olympics

Nakatakdang magsimula ang Olympics sa July 23.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *