Libreng bakuna na ibinibigay ng gobyerno dapat tangkilikin dahil galling ito sa tax ng taong bayan

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Department of Health (DOH) Bicol na dapat tangkilikin ang ibinibigay na bakuna ng Gobryerno dahil sa pera ito ng taong bayan o tax.

Ayon kay Dr Ernie vera, ang Regional Director ng nasabing tanggapan, ang binibigay na bakana sa tao ay libre nang gobyerno kung saan binabayaran ito sa pamamagitan sa pagbawas ng tax sa mga nagtatabraho.

Aniya, hindi dapat magdadalawang isip ang mga mamamayan sa pagbabakuna dahil sa mayroon naman itong naidudulot na tulong sa kawatan ng tao laban sa covid 19.

Umaasa ang ahensya, sa pasimula ng Sabayang bakunahan katuwang ang City Health Office na isinagawa sa SM Mall Legazpi ay tataas ang porsyento ng pagbabakuna sa rehiyon.

Panawagan ng opisyal, hindi dapat balewalaen ang pagbabakuna sa katawan ng tao dahil sa importansya ito at malaking tulong upang makaiwas sa sakit na covid 19 at iba pang nakakahawa na sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *