Libreng sakay ng LTFRB Region 2 sa mga APOR, tuloy-tuloy

Nagpapatuloy parin ang libreng sakay ng LTFRB Region 2 para sa mga essential workers at medical front liners sa ilalim ng Service Contracting Program.

Ito ay alinsunod sa Memorandum Circular No.2021-008 at 2021-022 ng LTFRB.

Maaring mag-apply para sa naturang programa ang mga Public Utility Busses, modernized PUJs, modernized UV Express at ang mga Tourist Transport Service.

Ang payment scheme, para sa initial subsidy ay mabibigyan ang tsuper ng 4, 000 pesos sa oras na malagdaan na ang kontrata.

Habang magbibigay naman ang ahensya ng lingguhang pasahod sa mga tsuper at operator depende sa kilometro na tinakbo ng kada unit ng sasakyan kung saan 30% ang mapupunta sa driver at 70% naman sa mga operator.

Ilan sa busl ine corporation ang nag-apply para sa naturang programa at nakakuha ng kontrata sa LTFRB ay ang CAMPBB Bus line Corporation sa lalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Engr. Edwin Colobong ng CAMPBB Busline Corporation, nakakuha sila ng kontrata na nagsimula noong April 17 at magtatapos sa June 30, 2021.

Mayroon aniya silang walong (8) unit ng bus ang bumibyahe sa Santiago, Alicia, Cauayan, City of Ilagan at San Mateo, Isabela.

Hinahanapan lang aniya ang mga kabilang sa essential workers at APOR na mananakay ng ID para maisakay.

Mahigpit namang ipinatutupad ang mga panuntunan sa mga pampublikong transportasyon alinsunod sa protocols na ibinababa ng DOTR.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *