KORONADAL CITY – NAGLAGAY ng apat na free drinking stations ang local government unit o LGU Tampakan sa mga lugar na madalas dinadagsa ng mga tao.
Ayon kay Municipal Mayor Leonard Escobillo na dalawa sa mga ito ay inilagay sa public market, isa sa public terminal at isa sa Catholic Church.
Layon nito na mabigyan ng libreng tubig na maiinom ang mga mamamayan lalo na nag mga tricycle drivers at mga namamalengke upang makaiwas sa dehydration at heat stroke sa gitna ng nararanasang mataas na heat index.
Matatandaan na isa sa mga panawagan ng mga health authorities ang pag-inom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration. Samantala, nagsu-supply na rin ng tubig ang LGU sa mga sitios ng mga barangay na walang sapat na water source katulad ng Barangay Lampitak at Barangay Liberty.
Simula bukas ay maguumpisa na ang 'Car-free Sundays' sa Maynila, 'o 'yung pagbabawal sa mga…
Wala umanong itinatago si dating Philippine National Police (PNP) chief Retired PGen. Oscar Albayalde sa…
Sinagot ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma ang naging paratang ni…
Tumama sa earth ang pinakamalakas na solar storm sa nakalipas na 2 dekada. Dahil dito…
Ibinunyag ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang…
Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naulila ng isang 10-anyos na…