LIBU-LIBONG BAGS NG HYBRID RICE SEEDS, NAIPAMAHAGI NA NG DA REGION 2

Umabot na sa 103,415 bags ng rice seeds ang naibigay na ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 02 (DA RFO 02) sa iba’t-ibang bayan ng Cagayan at Isabela para itanim sa darating na wet cropping season.

Ayon kay Dr. Marvin Luis, Regional Rice Program Coordinator ng DA RFO 02, ito ay katumbas ng 95% mula sa kabuoang bilang na 109,106 bags.

Aniya, mahalaga na maagang maipamahagi ang mga naturang binhin upang maipunla na ng mga magsasaka at maiwasan ang mga kalmidad tuwing anihan.

Umaasa rin ito na ang nalalabing 5,691 bags ay maipamahagi narin ng kagawaran sa tulong ng mga lokal na pamahalaan at makumpleto bago magsimula ang pagtatanim.

Samantala, nasa 72,087 vouchers ng abono ang naibahagi sa mga magsasaka na umaabot na sa halagang P297 Million mula sa kabuuang 114,589 vouchers generated sa buong lambak ng Cagayan.

Ang voucher ang syang ipinapakita ng mga magsasaka upang makakuha ng libreng abono mula sa pamahalaan.

Ayon pa kay Dr. Luis, hanggang June 15 na lamang ang pamamahagi ng mga ito sa mga eligible farmers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *