Libu-libong halaga ng iligal na droga, nakumpiska; high value individual, arestado

Natimbog ang isang High Value Target individual sa ikinasang anti-illegal drug buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEA RO II RSET at Solana Police Station kagabi sa Maddarulug, Solana, Cagayan.

Nakatakas ang isa sa mga kasamahan ng suspek habang ang isang menor-de-edad ay nailigtas .

Nakuha sa ikinasang operasyon ang isang piraso ng tinuping puting papel na naglalaman ng pinatuyong dahon at tangkay ng marijuana na tumitimbang ng humigit kumulang tatlumpung gramo at nagkakahalaga ng 3,600 ,dalawang bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana na may bigat na humigit kumulang 2,000 grams at nagkakahalaga ng Php240,000.00; isang bote (1) na naglalaman ng pinaniniwalaang iligal na droga na MOL 60 ml ang dami at nagkakahalaga ng Php270,000.00,isang cellphone,motorsiklo at perang ginamit bilang buy bust money.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek habang ang nahuling menor de edad ay ipinasakamay na sa Local Social Welfare and Development Office (LSWDO).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *