LIBU-LIBONG HALAGA NG SHABU, NASABAT SA ISANG NEGOSYANTE

Nasabat sa isang negosyante ang nasa P210,000 na halaga ng hinihinalang shabu matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng Solana Police Station sa Barangay Lingu, Solana, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Police Regional Office 2, kinilala ang naaresto na si alyas Jack, 29-anyos at residente sa Tuguegarao City, Cagayan.

Positibong nabili ng isang operatiba na nagpanggap bilang poseur buyer ang hinihinalang shabu kay alyas Jack na nagsanhi ng kaniyang pagkakaaresto.

Nasamsam mula sa direktang pag-iingat nito ang apatnapu’t dalawang pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng tatlumpung gramo, P3,000, isang cellphone at motorsiklo.

Lumalabas sa mga isinagawang imbestigasyon ng PNP na dati nang naaresto si alyas Jack dahil sa kaparehong kaso noong 2013. Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Solana Police Station ang naarestro at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *