Lider ng oposisyon sa Russia, nasawi sa loob ng kulungan

Nasawi sa loob ng kulungan ang pinuno ng oposisyon ng Russia na si Alexei Navalny.

Ito’y matapos siyang mag-collapse at mawalan ng malay sa penal colony sa hilaga ng Arctic Circle.

Sumikat si Navalny nang mahigit isang dekada sa pamamagitan ng pangungutya sa elite class at pagsasabi ng mga paratang ng katiwalian.

Ayon sa Federal Penitentiary Service ng Yamalo-Nenets Autonomous District, sumama ang kanyang pakiramdam pagkatapos maglakad sa IK-3 penal colony sa Kharp hilagang-silangan ng Moscow.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *