Lider ng RoRe mission, nagsalita hinggil sa pagbomba ng tubig ng CCG

Naglabas ng saloobin ang team leaders ng RoRe mission tungkol sa pagharang at pagbomba ng tubig ng barko ng China sa Ayungin Shoal.

Ayon kay si Lt. Ramsey Guttierez, nabasa ng water cannon ang dala nitong suplay na ihahatid sana sa BRP Sierra Madre.

Dagdag pa ni Guttierez, nagulat ang mga kasamahan nitong militar sa ginawang pagbomba ng tubig.

Samantala, hinggil sa pag-aaral sa Chinese military academy; sinabi naman ni Vice Admiral Alberto Carlos na hindi siya nagkaroon ng utang na loob sa Beijing dahil ang trabaho nito ay nakatuon sa national interest ng Pilipinas.

Kung maaalala nitong Sabado, binomba ng tubig ng CCG ang barko ng Pilipinas habang isinasagawa  ang resupplying mission sa Ayungin Shoal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *