Liderato ng Kamara, tiwalang hindi ive-veto ni PBBM ang 2024 GAB

Kumpiyansa si House Speaker Martin Romualdez na walang ive-veto si Pangulong Bongbong Marcos sa nilalaman ng final version ng 2024 General Appropriations Bill.

Ayon kay Romualdez, sumusunod lang sila sa parameters at nakipag-ugnayan naman sila sa Office of the President at sa lahat ng ahensya ng gobyerno kaya hindi nito inaasahan ang anumang pag-veto.

Sang-ayon aniya ang pangulo sa paglilipat ng confidential funds mula sa civilian agencies dahil bukod sa kapwa nagkasundo ang Kamara at Senado, boluntaryo namang nag-withdraw ang pinuno ng mga ahensya.

Iginiit ni Romualdez na nasa isip din ni Marcos na makabubuting ituon ang pansin sa isyung panseguridad, depensa at Philippine Coast Guard partikular sa West Philippine Sea.

Dahil dito ay wala umanong naging problema ang punong ehekutibo sa pagtapyas ng CIFs sa mga ahensyang walang direktang kinalaman sa seguridad.

Samantala, ikinalugod naman ang House leader ang pagkakaloob ng limang barko sa Coast Guard mula sa Japan upang masiguro ang pagpapatrolya sa mga teritoryong sakop ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *