Liga ng mga Barangay officials sa So.Cot, nanumpa na

KORONADAL CITY – Sa Enero 29 pa uupo sa Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato bilang ex-officio member si Punong Barangay Neil Ryan Escobillo ng Barangay Pula Bato, Tampakan ang bagong halal na president ng Federation of Association of Barangay Captains o FABC.

Ayon kay Escobillo na ito ay alinsunod sa kautusan ng Department of the Interior and Local Government o DILG South Cotabato batay sa guidelines ng Liga ng mga Barangay. Si Escobillo ang papalit kay outgoing Liga President Rolando Malabuyoc. Kahapon, nanumpa na sa harap ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr ang mga bagong set ng officers ng FABC.

Inihayag ni Escobillo na magpupulong pa ang mga ABC presidents upang ilatag ang mga plano, programa at mga legislations na kailangan ng iba’t ibang mga barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *