Lima, sugatan sa banggaan ng bus at nasiraang truck sa CamSur

Sugatan ang bus driver at apat na pasahero matapos bumangga ang pampasaherong bus sa nasiraang truck sa Camarines Sur.

Lumalabas sa imbestigasyon na hindi agad nakita ang early warning device sa kalsada dahil masyado itong malapit sa nasiraang truck at hindi kaagad naka-preno ang bus.

Kinailangan pang basagin ang salamin ng bus para mailigtas ang driver at mga pasahero nito.

Sa kabutihang palad, ligtas na ang lima at walang namatay sa naturang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *