Limang barangay sa Zamboanga City, isinailalim sa ‘red zone’ dahil sa banta ng ASF

Zamboanga City- Isinailalim sa Tinatawag na Red Zone ang limang Barangay sa Zamboanga City , dahil sa Africa Swine fever o ASF.

Itoy kinumpirma ni Zamboanga City Veterinarian Dr. Mario Ariola ,matapos na mag positibo ang mga baboy sa nasabing sakit , ang limang Barangay na isinailalim sa Red Zone ito ay ang Barangay Mangusu , Curuan , Manichan , Bungiuao at Barangay Pasonanca.

Sinabi ni Dr. Mario Ariola isinagawa ang culling Process sa mga Baboy sa loob ng 500 metrong radius ng limang Barangay.

Noong nakaraang linggo una ng kinumpirma ng African Swine Fever Task Force na isinailalim sa lockdown ang Barangay Pasonanca at Mangusu upang maiwasan na kumalat ang infection sa iba pang mga baboy.

Ang nasabing resulta kinupirma mismo ng Regional Animal Deasease Diagnostic Laboratory ng Department of Agriculture sa General Santos City.

Dagdag ni Dr. Mario Ariola upang masiguro na madagdagan ang subplay ng mga baboy sa Lungsod , Ang Grupo ng Zamboanga City Hog Raiser Association ay nagtuturo sa mga residente ng tamang paraan ng pag aalaga ng baboy upang matiyak ang kalinisan.(BNFM Kit-Kat)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *