Lineup para sa bagong inilunsad na men’s volleyball team, pinangalanan na

Pangungunahan ng beteranong spiker na si Ysay Marasigan ang bagong inlunsad na men’s volleyball team.

Makakasama ni Team Captain Marasigan ang kapwa national team players na sina Rex Intal at Kim Malabunga sa koponan na tatawaging Criss Cross King Crunchers.

Ang isa pang national team mainstay na si Marck Espejo ay bahagi rin ng lineup, kahit na inaasahang tatapusin muna niya ang kanyang kampanya sa Incheon Korean Air Jumbos sa V-League ng South Korea.

SI Thai coach Tai Bundit naman ang magsisilbi nilang coach, na magde-debut sa susunod na conference ng Spikers’ Turf sa huling bahagi ng buwang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *