LEGAZPI – Nakahanda na ang PNP Legazpi 4 na araw bago ang halalan.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Police Executive Master Sergeant Guilbern M. Patacsil tagapagsalita ng Legazpi PNP tiniyak nito na magiging maayos ang seguridad ng halalan sa lungsod.
Aniya, habang patuloy ang pagpapaigting ng Election Gun Ban at Comelec Checkpoint sa lungsod handa na rin ang hepatura sa Mayo 8, 2022 para sa Liqour Ban.
Nanawagan si Patacsil na sumunod sa nasabing implementasyon ng Liqour Ban dahil may kinauukulan ang sinuman na mahuhuli kahit pa ang establishmento na nagpabili ng alak.
Patuloy parin ang suporta ng PNP sa Comelec upang maging maayos ang seguridad sa lungsod ng Legazpi.