Lisensiya ng babaeng naka-aksidente sa Laguna – pinawalang bisa ng LTO

Pinawalang bisa ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng isang motorista na sangkot sa road accident sa Calamba City, Laguna nitong November 1.

Batay sa ulat ng LTO, apat na tao ang nasawi – dalawa rito ay bata habang sugatan ang anim na iba pa.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, nakainom ang babaeng drayber na isang Engineering student nang mangyari ang insidente.

Kasama sa desisyon ng ahensya na hindi na siya papayagang makapag-renew pa ng lisensiya hanggang November 2027.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *