Lisensya ng tricycle driver na inireklamo ng pambabastos, kinumpiska

NAGA CITY- Kinumpiska ng Public Safety Office (PSO) ang lisensya ng tricycle driver na inireklamo ng pambabastos sa isang babaeng estudyante sa Naga City.

Nagkaharap ang magkabilang panig, humingi ng tawad ang driver na residente ng Barangay Calauag. Napag-alaman sa opisina na hindi iyon ang unang record nito sa PSO, iyon nga lang hindi naman nagsampa ng pormal na reklamo ang naunang biktima.

Mababatid na ibinahagi ni Rain Reyes ang karanasan sa pagsakay nito sa Tabuco-Mabolo, mag-isa lamang sa loob ng tricycle hapon nitong Enero 23, 2024. Tinatanong kung may boyfriend, inalok pa ng date sa Valentine’s Day , hinawakan at inayos pa nito ang jacket ng dalaga.

Bagay na ikinatakot ng babae lalo na mag-isa sa loob ng sasakyan.

Para naman sa driver malaking aral ito at sana maging maingat din ang iba pang driver sa galaw at pananalita sa mga pasahero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *