Live-in partner sa bayan ng Sta. Elena, arestado sa salang pagnanakaw

CAMARINES NORTE- Arestado ng kapulisan ng Sta. Elena Municipal Police Station ang mag live-in partner sa bayan ng Sta. Elena

Ang dalawang katao ay inaresto sa salang pagnanakaw, alas 11:00 ng umaga, Mayo 31, 2023 sa nasabing bayan.

Kinilalang ang live-in partner na sina alyas “Marie”, 28 anyos at si alyas “Ron-Ron”, 34 anyos, kapwa residente ng Brgy. Kagtalaba, Sta. Elena, Camarines Norte.

Ayon sa ulat, habang ang biktima na si alyas “Fe”, 58 anyos, balo at residente ng nasambit na lugar ay natutulog kasamang kanyang anim na taong gulang na apo sa kanyang silid, pumasok diumano ang magkalive-in partner sa silid ng biktima at tinangay ang perang nakalagay sa sling bag na tinatayang umaabot sa halagang Php 150,000.00.

Binuksan diumano ng magka live-in partner ang padlock ng steel gate sa likurang bahagi ng bahay ng biktima at doon pumasok upang mapagtagumpayan ang planong pagnanakaw.

Samantala, ipinagbigay alam ng kapulisan ang konstitusyunal na karapatan ng nasabing mga akusado na kasalukuyang nasa kustodiya na ng Sta. Elena MPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *