Livelihood assistance ng mga PUV operators at drivers, umabot na sa P123M

Gumastos ang gobyerno ng kabuuang P123 milyon para sa livelihood assistance ng mga jeepney at UV operators at drivers na naapektuhan ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Benjo Benavidez, humigit-kumulang 4,500 PUV operator at driver ang nakatanggap ng tulong sa ilalim ng “EnTsuperneur” program, at 1,500 pa ang malapit nang makatanggap ng tulong pangkabuhayan.

Sa monitoring ng DOLE, maraming benepisyaryo ang nagpasyang magtayo ng sari-sari store, kainan, electronics repair shop, at bakery.

Sa huli, sinabi ni Benavidez na patuloy pa ring bukas ang programa upang tulungan ang mga apektado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *