Liza Soberano, mainit na tinanggap sa Hollywood

Tinutukan ng Hollywood press at media ang Filipina actress na si Liza Soberano sa premiere night ng pelikulang kinabibilangan nito na “Lisa Frankenstein.”

Kahit na first time niyang mag-red-carpet interviews para sa kaniyang pinakaunang Hollywood film, nagmistulang “pro” si Liza sa mga panayam nito.

Ikinatuwa naman nito ang mainit na pagtanggap ng Hollywood sa kanyang presensiya dahil hindi niya raw ito ine-expect.

Ibinahagi naman nito na palagi siyang nag-a-audition sa Hollywood at mayroon nang project na nakahanay na aabangan ng kanyan fans sa future.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *