LJ Reyes, blooming ngayong engaged na sa kaniyang non-showbiz boyfriend

Bumuho sang pagbati sa aktres na si LJ Reyes at sa kanyang fiancé na si Philip Evangelista mula sa netizens at sa mga local celebrities na tuwang-tuwa sa bagong milestone sa buhay ng kanilang kaibigan.

Sa kanyang Instagram, inanunsyo ni LJ na siya ay engaged na kay Philip , na nakabase sa New York.

Tila blooming ang aktres na naka all white habang nasa beach. Dito, lumuhod si Philip at inalok ng kasal si LJ.

Ilan sa mga nag-congratulate sa engaged couple ay sina Marian Rivera, Iza Calzado, Andrea Torres, Camille Prats, Ryza Cenon, Carla Abellana, Joyce Ching, Sheena Halili, Kaye Abad, Nikki Valdez, Melissa Ricks, Gary Valenciano at marami pang iba.

Noong 2021, kinumpirma ni LJ na hiwalay na sila ng aktor na si Paolo Contis. May anak sila na si Summer.

May anak din si LJ sa dati niyang karelasyon na si Paulo Avelino na si Aki.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *