Local Artist Registration, umarangkada na rin sa Tinambac, Camarines Sur

CAMARINES SUR- Bilang pagtalima sa Philippine Creative Industries Development Act, opisyal na ring inilunsad sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur ang pagpaparehistro sa mga local artist sa siyam na domain kabilang ang  Audio Visuals, Digital Interactive Media, Creative Services, Design, Publishing Arts, Performing Arts, Visual Arts, Traditional Cultural Expressions, at Cultural Sites.

Ayon kay Neslie Barrameda ng Internal Audit Service Office, layunin ng hakbang na ito ng lokal na pamahalaan na matipon at makilala ang mga local artists, para sa mga programang nakalinya at nakatalaang isagawa sa kanila. Katulad na lamang nang pagkakaroon ng health and insurance benefits, livelihood training and skills at pagtatayo ng culture and arts learning hub na magagamit ng mga local artists.

Sa ngayon, bukas na ang pagpaparehistro eksklusibo para sa mga Tinambaqueño Artists, pumunta lamang sa Mayor’s Office o i-scan ang QR Code sa kanilang opisyal na facebook page.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *