Local hospital bills na inisponsoran ni Go naipasa na sa ikalawang pagbasa sa Senado

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Senado ang 13 panukala na naglalayung mapaganda, madevelop at matatag ang mga pampublikong ospital sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, na chairman Senate Committee on Health, ang nagsponsor sa naturang mga panukala na kumikilala sa urgent need para sa pag-upgrade ng  health facilities sa buong bansa.

Ang mga hakbang ay kinabibilangan ng mga panukala para sa pagpapataas sa bed capacity ng Lying-in Clinic sa Rizal Palawan; Naguilian District Hospital sa Naguilian, La Union; Rosario District Hospital sa Rosario, La Union; Sinait District Hospital sa Sinait, Ilocos Sur; East Avenue Medical Center sa Quezon City; at Mayor Hilarion A. Ramiro Sr. Medical Center sa Misamis Occidental.

Ang ibang panukala naman na naipasa sa ikalawang pagbasa ay kinabibilangan ng measures na nagtatatag sa Bacolod City General Hospital sa Bacolod, Negros Occidental; Eastern Pangasinan Regional Medical and Trauma Center sa Rosales, Pangasinan; Davao Occidental General Hospital sa Malita, Davao Occidental; at Neptali Gonzales Hospital sa Mandaluyong City.

Ang panukala naman na nagko-convert sa Medina Extension Hospital sa Medina, Misamis Oriental sa general hospital; at Schistosomiasis Control and Research Hospital bilang Governor Benjamin T. Romualdez General Hospital ay naipasa sa second reading.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *