Local Income ng bayan ng Goa, Camarines sur, bahagyang tumaas sa taong 2023

CAMARINES SUR- Bahagyang tumaas ng 67.77 percent ang local income ng bayan ng Goa, sa Camarines Sur nitong taong 2023, habang bumaba naman sa 83. 97 percent ang National Tax Allotment Dependency nito mula sa 91. 14 percent noong taong 2022; ito ang iniulat ni Mayor Marcel Pan sa kanyang taunang State of the Municipality Address o SOMA, Martes, Enero 9, 2023.  

Ayon sa ulat, malaking bahagi ng paglago ng kita nito ay mula sa mga negosyo ng nasabing bayan partikular ng New Businesses’ Capital Infusion na umabot sa 2.13 Billion pesos,  at ang halos 48 percent ng local income o katumbas ng mahigit 22 million ay naitala naman ng Economic Enterprises Management Office.

Samantala, ngayong 2024, inaasahan pa ng alkalde na mas tataas pa ang paglago ng ekonomiya ng bayan lalo pa at maraming proyekto at programang nakalatag ang lokal na pamahalaan ngayong taon kasama na ang pagtatayo ng mga pasilidad at imprastraktura tulad ng konstruksyon ng Goa Community College at Multi-purpose Sports Center na may nakalaang nasa kabuoang 450 million na pundo at marami pang proyekto at programa sa sektor ng edukasyon, agrikultura, kabuhayan at iba pa.

“Goa will have a big leap in development in 2024, far from what you have seen for the last four years, that Mayor Pan and Vice-Mayor Pidong Gonzaga and the Sangguniang Bayan members accomplished together with your help,” ani ng alkalde sa kanyang talumpati.

Matatandaan na una nang inanunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagtaas ng National Tax Allotment (NTA) sa bawat LGU ngayong 2024 na umaabot sa P871.3 billion, o di hamak na mas mataas ng 6.23 percent sa NTA ng taong 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *