Local manufacturers, hiniling sa gov’t na bumili ng Filipino-made PPEs

Umaapela sa gobyerno ang mga local manufacturers ng medical-grade personal protective equipment na iprayuridad ang Filipino-made PPEs, sa gitna na natatalo sila sa imported brands sa bidding wars.

Sa pagdinig ng Senate committees on economic affairs and trade, sinabi ng Confederation of Philippine Manufacturers of PPE, o CPMP na lima sa kanilang member companies ang nag-invest ng $35 million o halos P1.7 billion noong nakaraang taon bilang tugon sa panawagan ng gobyerno para gumawa ng locally made PPEs.

Pero matapos nito, patuloy ang kanilang kalugian, kung saan may tatlong kompaniya na ang nagbawas umano ng 3,500 workers noong December 2020.

Ayon kay Rosette Carrillo, executive director ng CPMP, kahit mababa ang kanilang presyo ay binabaha rin naman ang Philippine market ng very low-cost PPEs mula sa China, kahit ilan sa mga ito ay substandard.

Mababatid na maliban sa industry groups, una na ring hinimok ng mga mambabatas ang gobyerno na bumili ng Filipino-made PPEs. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published.