Lokal na pamahalaan ng Barcelona ‘’road to ISO certified’’ na

SORSOGON CITY – Itinuturing ng lokal na pamahalaan ng Barcelona na ‘’road to ISO certified’’ na ang kanilang munisipyo matapos nitong maipasa ang ISO Certification Audit nitong nakatalikod na araw.

Sa impormasyong nakalap ng Brigada News FM sa public post ng LGU Barcelona, nagpapasalamat ito sa koordinasyon ng bawat team ng munisipyo partikular na sa mga responsibilidad na ginampanan ng mga ito kaugnay ng isinagawang audit.

Matatandaan na ilang munisipalidad na sa lalawigan ng Sorsogon ang nagawaran na ng naturang setipikasyon kabilang na ang Sorsogon City LGU, Castilla, Casiguran at iba pa.

Ang ISO o ang International Organization for Standardization ay isang pandaigdigang organisasyon na nagtatakda ng “international standards” o pandaigdigang pamantayan para sa mga organisasyon. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *