Lokal na Pamahalaan ng San Felipe, nanalo sa isinagawang Zambaliwanag Float Festival

Nakuha ng Lokal na Pamahalaan ng San Felipe ang kampeon sa kakatapos lang na Zambaliwanag Float Festival.

Ito ay dahil sa ganda ng disenyo ng Float ng Pamahalaan na siyang nagpamangha sa mga hurado.

Ang Parade na ito ay isa sa mga inaabangan na highlights ng pagdiriwang ng Dinamulag Festival.

Ang Parade ay isinagawa noong May 7 sa lalawigan ng Zambales.

Nasa labing anim na Float ng bawat bayan at mga tanggapan naman ang nakiisa sa nasabing aktibidad.

Samantala, naiuwi naman ng Lokal na Pamahaan ng Botolan ang first runner up at nag-second runner up ang Lokal na Pamahalaan ng San Antonio.// LESLEY DIZON – BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *