Lola na pinagbintangang mangkukulam binaril sa harap ng kanyang mga apo

Sa harap mismo ng kanyang mga apo walang awang binaril ang isang lola na umanoy napagbintangang mangkukulam sa sa Barangay Mararag, Marihatag, Surigao del Sur.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Myrna Pontillo, residente ng Barangay Sta. Cruz, Marihatag Surigao del Sur.

Sa panayam kay Police Captain John Zydrick Preciados, hepe ng Marihatag Municipal Police Station, sakay ng tricycle ang biktima kasama ng kanyang dalawang apo at minamaneho ng kanyang manugang nang pinagbabaril ng rinding-in-tandem na mga suspek.

Agad binawian ng buhay ang biktima habang ang mga suspek mabilis na tumakas patungo umano sa direksiyon ng San Agustin sa nasabing lalawigan.

Ayon sa mga kaanak pinagbibintangan umanong mangkukulam ang biktima na posibleng motibo sa pagbaril sa kanya.

Patuloy namang iniimbestigahan ng Marihatag Police ang krimen para sa agarang pagkakadakip ng mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *